Pro Deo et Patria: Ang Iglesia Filipina Independiente sa Konteksto ng Lokal ng San Felipe, Zambales

June 14, 2017 | Autor: Jhames Labrador | Categoría: Religion, Sociology, Sociology of Religion, Local History
Share Embed


Descripción

Pro Deo et Patria : Ang Iglesia Filipina Independiente sa Konteksto ng Lokal ng San Felipe, Zambales Jhames F. Labrador Lokal na Kasaysayan

ABSTRAK NG LOKAL NA KASAYSAYAN Ang kasaysayan ay tala ng mga may kabuluhang gawa natin sa ating personal o panlipunang buhay. Sa pagtuklas ng mas malalim at mas maliit na kasaysayan, mamumulat natin ang ating mga mata sa pagsipat sa kakanyahan ng isang samahan na nagtataguyod ng paniniwala at kaugaliang Pilipino bilang salamin ng pambansang kamalayan at bahagi ng kaakuhan ng lahi at bayan. Sinuri sa papel na ito ang Iglesia Filipina Independiente sa bayan ng San Felipe, Zambales bilang katibayan ng bahagi ng sangay ng lokal na kasaysayan ng Pilipinas. Kinapanayan dito ang kura paroko ng lokal ng San Felipe upang makakuha ng datus sa pagsururing papel na ito. Kasama sa panayam ang pagmamasid sa isang misa-seremonya ng IFI na ginaganap tuwing umaga ng Linggo. MGA SUSING SALITA: IFI, pro deo et patria, mahihirap, Diyos, bayan Pangalan ng buhay na kilusan: Iglesia Filipina Indepediente (IFI) Lugar: Brgy. East Feria, San Felipe, Zambales, 2204 Pangalan ng Simbahan: Parokya ni San Roque Kura Paroko: Rev. Fr. Ramon Villanueva Tagasunod: Humigit kumulang 2,000 libong kasapi Taon ng Pagkakatayo: 1905

MABUHAY KA! ni Fr. Mario Quince Sa pawis, luha at dugo Ay isinilang ka Simbahan ko Dumanas ka ng hirap Habang iyong tinatahak Ang landas tungo sa tagumpay. Sa bawat taong nag daan Ay nanatili sa diwa mo a Ng tanging adhikain Na hindi nag babago Ang para sa Diyos at sa Bayan. Mabuhay ka Iglesia Filipina Mabuhay ka Simbahan ng mga dukha Ang pangalan mo'y itatas ko At iwawagayway ko ang bandila mo



1

Ang komposisyong ito ay isinulat upang gamitin pang-temang awit sa pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo o pagkakatatag ng Iglesia Filipina Indepediente. Hanggang sa ngayon, maririnig pa rin ang komposisyong ito na inaawit sa mga mahahalagang okasyon ng simbahan. Kamakalian, ipinagdiwang ang ika111 taon ng pagpirma ng sampung sekular na mga pari sa pamumuno ni Gregorio Aglipay sa konstitusyon ng IFI sa Sta. Cruz, Maynila. Idineklara nila ang kanilang sarili bilang isang bagong pananampalataya na hindi kumikililala sa kapangyarihan ng Santo Papa sa Roma. Nakilala ang simbahan bilang Aglipayan Church, ngunit lingi sa kaalaman ng nakararami, hindi si Apo Aglipay ang nagtatag nito. Isa sa tatlong tagapagtatag nito ay si Isabelo delos Reyes o kilala na sa tawag na Don Belong. Nakita ni Don Belong na sa kanyang pag-aaral bilang isang iskolar at folklorista na may potensyal na magkaroon ng pagsasama-sama ang mga sinaunang paniniwala at ng Kristiyanismo. Kaya’t kinumbinsi niya noon ang nagdadalawang isip na si Aglipay na kumalas na sa Roma upang maiwasan ang sitwasyon; baka mapalitan lamang ang mga prayleng kanilang kinamuhian ng mga bagong Amerikanong mga pinuno ng simbahan. Itinatag nila ang simbahan noong Agosto 2, taon din yun ng 1902. Isang kaibahan nila sa mga paring Katoliko ay maari silang mag-asawa. Isa sila sa pinakamalaking Kristiyanong denominasyon sa Pilipinas at tinatayang anim na milyon ang kanilang kasapi. Ang mga unang kasapi nito ay mga kasapi ng Katipunan at mga rebolusyonaryo. Si Pangulong Ferdinand Marcos ay bininyagang isang Aglipayano. Bahagi ng lalong ibayong pagkilala sa simbahan bilang isang samahang lokal na kasaysayan ang makasalamuha ang isa sa kasapi ng simbahang Iglesia Filipina Independiente. Kinapanayam ko si Rev. Fr. Ramon Villanueva, ang Kura Paroko ng San Roque sa San Felipe, Zambales.

Pigura 1. Ang U nang Kam pana ng IF I San Felipe, C irca 1914.



2

PANAYAM KAY REV. FR. RAMON VILLANUEVA JFL: Gaano na katagal ang IFI sa San Felipe? Fr. Villanueva: 1905, dalawang taon pagkatapos ng pagkatatag ng IFI. JFL: Sa kasalukuyan, ilan ang kasapi ng IFI sa San Felipe, Zambales? Fr. Villanueva: 35 % ng kabuuang populasyon ng San Felipe. JFL: Anong katangian ang ipinagkaiba ng mga kasapi ng lokal na IFI sa simbahang katoliko at iba pang sekta? Fr. Villanueva: Ang simbahang IFI ay simabhang sarili ng mga Pilipino. Ito ay nabuo sa pawis at dugo sa pakikipaglaban upang makamtan ang kalayaan sa mga dayuhang nais sumakop sa atin. Tayo ay may sariling pamunuan at may sariling tanggapan at katedral di gaya ng iba kagaya ng Romano Katoliko sa sakop sila ng banyagang pamamahala at ito ay ang Santo Papa. Ang kanilang pandaigdigang tanggapan ay nasa Roma. JFL: Ano naman, sa palagay ninyo, ang katangian ng mga IFI na sumasalamin sa pambansang kamalayan natin at ano ang bahagi nila sa kaaukan ng bayan? Fr. Villanueva: Ang IFI ay para sa kapakanan ng mga Pilipino, lalu na ang mga nasa abang kalagayan, ang ga mahihirap, ang mga magsasaka, ang mga laborers, etc. Handang dumamay at ipaglaban ang karapatan nito sang-ayon sa batas ng tao at sa batas ng Diyos. JFL: [I]ginunita ng IFI ang ika-111 ngayong Agosto, ano ang nakikita ninyo sa simbahan dalawapung taon mula ngayon? Fr. Villanueva: Kaakibat ng pagdiriawang ng ika-111 taong anibersaryo ng Simbahang IFI ang patuloy na paggawa ng mabuti tungo sa higit na pagpapala (Gal. 6:9). Hinihiling sa bawat kasapi na patatagin at palakasin ang pananampalatayng nakamtan upang sa gayon sumapit man ang kaganapan ng lahat, ang kaharian ng Diyos ay mapasa-bawat isa sa. Sa hinaharap – 20 taon man ang lumipas ay makitaan ang simbahang IFI ng mas matatag at matibay na moog na nagkakaisang Kristiyanong Pilipino tungo sa kaluwalhatian ng Diyos. Pro Deo et Patria. Mababasa sa mata ng Kura Paroko ang maigting at ibayong pagmamahal sa simbahan at sa bayan. Matapos ang panayam, ay dumalo ako sa misa na ginanap tuwing Linggo (Agosto 18, 2013). Walang halos kaibahan ang serbisyo ng IFI sa simbahang katoliko. Naroon ang mga madalas na bahagi ng misa, ang pambungad na awit, ang Kyrie, ang Paghahanda ng mga Alay, ang Sanctus, ang Pater Noster, Doksolohiya, ang Agnus Dei at ang komunyon. Nagiging kakaiba lamang ang misa sa may banang dulo kung saan , bago ibigay ng kura paroko ang huling bendisyon, ay hinihiling ang lahat na tumayo upang awiting ang Lupang Hinirang. Makabayan at progresibo ang oryentasyon ng samahan. Si Don Belong ay unang labor leader ng ating bansa at pinuno ng Union Obrera Democratica Filipina. Si Apo Aglipay naman ay inatasang mangolekta ng pondo noon sa Ilocos para sa mga rebolusyonaryong Pilipino. Hindi nakapagtataka na minsan na nilang



3

idineklarang santo si Dr. Gat Jose Rizal at nagdarasal sa mahal na Birhen ng Balintawak, isang birheng Maria sa wangis ni inang bayan na may kasamang batang may nakasukbit na itazk at may dala-dalang watawat na may nakasulat “Ama ko, sumilang nawa ang aming pagsasarili”. Ang kanilang pakikisangkot sa bayan ay makikita sa paglingap sa mahihirap. Kinondena din nila ang pagpatay sa ika-siyam na Obispo Maximo nito na si Alberto Ramento. Ninakawan at at brutal na pinatay si Ramento sa Tarlac. Isang aral na maaring makukuha natin sa mga Aglipayano ay kung tunay na mahal mo ang Diyos, dapat mahal mo rin ang bayan mo. Pro Deo et Patria: Para sa Diyos at sa Bayan.

Pigura 2. Ang Birhen ng B alintaw ak sa Harap ng Altar ng Simbahan

MGA SANGGUNIAN Lopez-Bantug. (1930). Ang Paghihimagsik ni Ob. Aglipay. Manila. Pedro S. De Achutegui, S., & Miguel A. Bernad, S. (1960). Religious Revolution in the Philippines. Manila: Ateneo de Manila Press. Santos, A. (1981). Gregorio Aglipay: Ang Rebeldeng Pari. Metro Manila: Aklat Adarna.



4

Lihat lebih banyak...

Comentarios

Copyright © 2017 DATOSPDF Inc.